Search Icon

Mga Bersyon: Spanish (Mexico) | French (Canada) | Portuguese (Brazil)

Tungkol sa Socure. Nagbibigay ang Socure Inc. (sama-sama bilang, “Socure,” “kami”, “namin” o “amin”) ng mga produkto, tool, at serbisyo na pinapatakbo ng artificial intelligence at machine learning para tulungan ang aming mga customer ng negosyo na ma-validate ang mga pagkakakilanlan, masuri ang panganib, at matukoy at mahadlahangan ang pagnanakaw sa pagkakakilanlan at panloloko (ang “Mga Produkto”). Ginagamit namin ang natutunan namin tungkol sa iyo sa batayang patuluyan para tuluy-tuloy na mabuo at mapahusay ang mga Produkto namin.

Saklaw ng Pahayag sa Privacy na ito. Angkop lang ang pahayag na ito (ang “Pahayag sa Privacy”) sa ordinaryong pagsasagawa ng aming negosyo at tangi lang sa: (1) personal na impormasyon o personal na data, gaya ng tinutukoy ng angkop na batas; at (2) sinumang gumagamit sa Mga Produkto, nang direkta o di-direkta, bumibisita sa amin sa alinman sa aming mga website, hyperlink, page ng social media, o saanman sa Internet (ang “Mga Site,” o, kapag tinukoy sa “Mga Produkto,” na sama-saman kilala bilang ang “Mga Serbisyo”). Inilalarawan ng Payahag sa Privacy na ito kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at ibinubunyag ang personal na impormasyon at tintukoy ang aming mga data source, ang aming mga ayon sa batas na batayan para sa pagproseso, at ang aming mg kasanayan saseguridad sa data atpagpapantili ng dat. Naglalaman din ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa data at kung paano kami kokontakin. Hindi angkop ang Pahayag sa Privacy na ito sa mga nag-a-appy ng trabaho o sa sinumang mga third-pary na hindi affiliated.

Mga Pagbabago sa Pahayag sa Privacy na ito. May karapatan ang Socure na baguhin ang Pahayag sa Privacy na ito sa pamamagitan ng pag-post ng update sa website na ito. Paki-review ang Pahayag sa Privacy na ito pana-panahon para manatiling napapaalaman, dahil ang anumang mahahalagang pagbabago sa Pahayag sa Privacy na ito ay magkakabisa kaagad-agad at ang patuloy mong paggamit ng mga Serbisyo namin ay nangangahulugang sumasang-ayon ka sa paggamit ng iyong data nang naaayon.

Pagkolekta ng Personal na Impormasyon

Ang mga kategorya ng personal na imprmasyon, kabilang ang sensitibong impormasyon, na posibleng kolektahin namin sa iyo may kaugnayan sa iyong paggamit ng Mga Serbisyo ay kinabibilangan ng:

  • Mga Identifier, tulad ng totoong pangalan, alias, postal address, natatanging personal identifier, online na identifier, Internet Protocol address, email address, pangalan ng account, o iba pang katulad na mga identifier.
  • Mga kategorya ng personal na impormasyon na nakalista sa batas ng California Customer Records (Cal. Civ. Code § 1798.80(e)), kabilang ang mga Identifier na nakalista sa itaas, gayundin ang edukasyon, history ng pamamasukan, numero ng bank account, o iba pang pinanasyal na impormasyon.
  • Mga katangian ng mga protektadong klasipikasyon, tulad ng edad, kasarian, gender identity, status ng immigration, lahi, kulay ng balat, at pambsang pinagmulan.
  • Komersyal na impormasyon, kabilang ang mga record ng mga produkto o serbisyong binili, nakuha, o isinaalang-alang, o iba pang pagbili o pagkonsumo na mga history o pagkahilig.
  • Biometric na impormasyon, tulad ng impormasyong nakuha sa mga larawan ng mukha o nakuha sa keystroke o iba pang mga pattern ng data entry.
  • Impormasyon sa Internet o iba pang electronic network na aktibidad, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, history ng pag-browse, history ng paghahanap, at impormasyon may kaugnayan sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo.
  • Geolocation data, tulad ng Internet Protocol address at mga coordinate ng Global Positioning System.
  • Audio, electronic, visual, thermal, olfactory, o katulad na impormasyon, tulad ng dokumento ng pagkakakilanlan at mga selfie at mga reading mula sa mga device sensor.
  • Propesyonal o nauugnay sa pamamasukang impormasyon, tulad ng anumang nauugnay sa negosyong contact information na ginamit nang gumawa ka ng account sa amin o nakipag-interact sa Mga Site.
  • Mga pagpapalagay na nakuha mula sa impormasyong kinokolekta namin para gumawa ng profile tungkol sa iyo na nagpapakita sa iyong mga kagustuhan, katangian, pagkahilig, o paggawi.
  • Sensitibong personal na impormasyon, tulad ng personal na impormasyon na nagpapakita ng iyong social security number, driver’s license o state identification card number, passport number, financial account at routing number, aktibidad at history na pampinansyal o komersyal na account, criminal history, mga nilalaman ng iyong email, at biometric information.

Mga Pinagmumulan ng Personal na Impormasyon

Ang mga pinagmumulan ng personal na impormasyong kinokolekta namin ay:

  • ikaw, nang direkta o di-direkta, kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo;
  • mga third party na sumusubok, bumibili, o nagbebenta sa Mga Produkto;
  • mga pampublikong pinagmumulan ng impormasyon; at
  • ang aming mga third-party vendor at service provider.

Paggamit ng Personal na Impormasyon

Posibleng gamitin namin ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa batas at mga kontrata namin sa customer para;

  • isagawa ang aming pang-operasyon o iba pang mga layunin, kapag kinakailangan para isagawa ang Mga Serbisyo;
  • hadlangan, tukuyin o protektahan sa, o tumugon sa mga insidenteng panseguridad, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, panloloko, pangha-harass, nakakasama, mapandaya, o iligal na mga aktibidad;
  • panatilihin ang integridad o seguridad ng aming mga sistema;
  • i-debug o tukuyin at ayusin ang mga error na sumisira sa kasalukuyang nilalayong functionality ng Mga Serbisyo;
  • mag-audit o magsagawa ng kontrol sa kalidad na nauugnay sa kasalukuyan o kasabay na transaksyon;
  • magsagawa ng mga serbisyo para sa o sa ngalan ng mga customer namin, kabilang ang maintenance o serbisyo ng mga account, mga transaksyon sa pag-troubleshoot, at pagbibigay ng customer support; at
  • magsagawa ng internal na pagsasaliksik para sa pagsulong at demonstration na pangteknolohiya, na kinabibilangan ng pagbuo, pag-validate, at pagpapahusay ng Mga Serbisyo.

Hindi nagma-market o nag-a-advertise ang Socure nang direkta sa mga consumer may kaugnayan sa aming probisyon ng Mga Produkto sa aming mga customer. Gayunpaman, kung makikipag-engage ka sa partikular na content sa Mga Site, tulad ng mga white paper at webinar, posibleng tumanggap ka ng marketing o advertising communication mula sa Socure alinsunod sa Pahayag sa Privacy na ito.

Kung saan pinahihintulutan ng batas, posibleng gamitin din namin ang iyong personal na impormasyon para;

  • sumunod sa mga batas, alituntunin o regulasyon na federal, state o lokal;
  • sumunod sa isang civil, criminal, o regulatory na inquiry, imbestigasyon, subpoena, o mga summon ng federal, state, lokal, o iba pang mga pampamahalaang awtoridad;
  • magbigay ng suporta sa isang customer o partner na iniimbestigahan o ino-audit;
  • makipagtulungan sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas may kinalaman sa paggawi o aktibdad na makatuwirang pinaniniwalaan namin at ng aming customer na posibleng lumalabag sa mga batas o regulasyon na federal, state, o lokal; at/o
  • mag-imbestiga, magtatag, magsagawa, maghanda para sa, o labanan ang mga legal claim.

Mga Batayang Ayon sa Batas sa Pagproseso ng Personal na Impormasyon

Para sa mga consumer na matatagpuan sa mga hurisdiksyon na nangangailangan ng ayon sa batas na basehan para sa pagproseso, pakitandaan na ang iyong personal na impormasyon ay pinoproseso alinsunod sa;

  • pahintulot mo;
  • pagganap ng kontrata;
  • sumasapaw na mga lehitimong interes, tulad ng pag-verify sa pagkakakilanlan, pagsusuri sa panganib, at kasalukuyang paghadlan sa panloloko, o
  • isang legal na kinakailangan o obligasyon.

Kapag umaasa ang Socure sa mga lehitimong interes, isinasaalang-alang namin ang makatuwirang mga inaasahan ng mga data subject batay sa kanilang kaugnayan sa controller, kabilang ang kasalukuyang mga ugnayan ng customer at access sa mga produkto o serbisyo, at binabalanse ang mga ito sa mga kasalukuyang pangangailangan ng mga customer namin para i-validate ang mga pagkakakilanlan, suriin ang panganib, at hadlangan, tukuyin, protektahan o labanan, o tumugon sa mga insdente ng seguridad, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, panloloko, pangha-harass, nakakasakit, mapanlinlang, o iligal na mga aktibidad.

Kapag pinoproseso ng Socure ang mga espesyal na kategorya ng personal na impormasyon, ginagawa lang namin ito alinsunod sa iyong ibinigay na pahintulot, na posibleng ibigay sa mga customer namin, sa amin nang direkta, o pareho, kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo, direkta man o di-direkta.

Pagbubunyag ng Personal na Impormasyon

Posibleng ibunyag ng Socure ang iyong personal na impormasyon sa mga third party para sa mga layunin ng negosyo, kagaya ng mga sumusunod:

Mga Kategorya ng Personal na Impormasyon Mga Kategorya ng Mga Third Party na Pinagbubunyagan Para sa Mga Layunin ng Negosyo

Mga Identifier, tulad ng totoong pangalan, alias, postal address, natatanging personal identifier, online na identifier, Internet Protocol address, email address, pangalan ng account, social security number, driver’s license number, passport number, mga litrato, o iba pang katulad na mga identifier.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Mga kategorya ng personal na impormasyon na nakalista sa batas ng California Customer Records (Cal. Civ. Code § 1798.80(e)), tulad ng pangalan, lagda, social security number, address, numero ng telepono, passport number, driver’s license o state identification card number, edukasyon, pamamasukan, history ng pamamasukan, bank account number, o iba pang pinansyal na impormasyon.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Mga katangian ng mga protektadong klasipikasyon, tulad ng edad, kasarian, gender identity, status ng immigration, lahi, kulay ng balat, at pambsang pinagmulan.

● mga customer at ang kanilang mga their auditor, mga corporate affiliate, sponsor na mga bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay magawa ang aming contractual o legal na mga obligasyon; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Komersyal na impormasyon, kabilang ang mga record ng mga produkto o serbisyong binili, nakuha, o isinaalang-alang, o iba pang pagbili o pagkonsumo na mga history o pagkahilig.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Biometric na impormasyon, tulad ng impormasyong nakuha sa mga larawan ng mukha o nakuha sa keystroke o iba pang mga pattern ng data entry.

● Hindi “ibinunyag” kagaya ng nauunawaan natin na kahulugan ng termino, ngunit nai-store ang impormasyong ito ng third-party na service provider na may patakaran sa pag-delete na tinukoy rito.

Impormasyon sa Internet o iba pang electronic network na aktibidad, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, history ng pag-browse, history ng paghahanap, at impormasyon may kaugnayan sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Geolocation data, tulad ng Internet Protocol address at mga coordinate ng Global Positioning System.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Audio, electronic, visual, thermal, olfactory, o katulad na impormasyon, tulad ng dokumento ng pagkakakilanlan at mga selfie at mga reading mula sa mga device sensor.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Propesyonal o nauugnay sa pamamasukang impormasyon, tulad ng anumang nauugnay sa negosyong contact information na ginamit nang gumawa ka ng account sa amin o nakipag-interact sa Mga Site.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Mga pagpapalagay na nakuha mula sa impormasyong kinokolekta namin para gumawa ng profile tungkol sa iyo na nagpapakita sa iyong mga kagustuhan, katangian, pagkahilig, o paggawi.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Sensitibong personal na impormasyon, tulad ng personal na impormasyon na nagpapakita sa iyong social security number, driver’s license o state identification card number, passport number, financial account at routing number, lahi o etnikong pinagmulan, criminal background, at mga nilalaman ng iyong email.

● mga customer at kanilang mga auditor, mga corporate affiliate, sponsor na bangko, at mga regulator, para maibigay ang Mga Serbisyo o kaya ay gawin ang aming mga obligasyong contractual o legal;
● mga third party na provider o subprocessor, kapag kinakailangan para magbigay o kaya ay pahusayin ang Mga Serbisyo; at
● mga corporate subsidiary at affiliate para maibigay ang Mga Serbisyo.

Pana-panahon, para sa mga layunin ng negosyo, posibleng kailangan ding ibunyag ng Socure ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod na third party;

  • mga propesyonal na advisor, tulad ng mga abogado, auditor, banker at insurer, kung kinakailangan habang isinasagawa ang mga propesyonal na serbisyo na ibinibigay nila sa amin;
  • isang hukuman, arbitral tribunal, ahensyang nagpapatupad ng batas o ibang third party, kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas; o
  • isang third party bilang bahagi ng transaksyon sa negosyo tulad ng pagsasanib o acquisition.

Hindi ibinubunyag ng Socure ang sensitibong personal na impormasyon para sa mga layuning bukod pa sa mga tinukoy sa seksyon 7027(l) ng California Consumer Privacy Act Regulations.

Naka-target na Pag-advertise. Hindi nagma-market o nag-a-advertise ang Socure nang direkta sa mga consumer may kaugnayan sa aming probisyon ng Mga Produkto sa aming mga customer. Hangga’t ginagamit namin ang mga third-party na service provider para tulungan kami sa naka-target (hal. cross-contextual behavioral) na pag-advertise, ginagawa lang namin iyon may kaugnayan sa mga pagkilos na ginagawa mo sa aming Mga Site na nagmumungkahi na posibleng interesado ka sa pagbili ng Mga Produkto namin sa ngalan ng iyong employer. Para matulungan kami ng aming third-party na mga service provider na maihatid ang anumang gayong mga advertisement, posibleng ibahagi namin sa kanila ang iyong mga identifier, impormashyong professional o nauugnay sa pamamasukan, at/o mga kategorya ng personal na impormasyong nakalista sa batas ng California Customer Records, nang nag-iisa o kasama ng impormasyon mula sa ibang mga pagmumulan (tulad ng mga data vendor namin at offline na data ng customer), at posibleng gumamit sila ng iba’t ibang teknolohiya sa pag-track.

Hindi “ipinagbibili” ng Socure ang anumang personal na impormasyon, gaya ng tinutukoy ng angkop na batas. Karagdagan pa, walang aktwal na kaalaman ang Socure na ipinagbibili o ibinabahagi nito ang personal na impormasyon ng mga consumer na wala pang 16 taong gulang, gaya ng tinutukoy ng angkop na batas.

Kapag Nagde-delete Kami ng Impormasyon

Sa Socure, naniniwala kami (dahil nakita namin) na ang kasalukuyang pag-verify ng pagkakakilanlan, pagsusuri sa panganib, at paghadlang sa panloloko ay mga layuni para sa pagkolekta, paggamit, at pagpapanatili ng data na hindi nag-e-expire. Gayunpaman, ang pangkalahatang patakaran namin ay i-delete ang iyong personal na impormasyon nang permanente at secure sa loob ng 7 taon mula sa huli mong pakikipag-ugnayan sa Socure o sa Mga Serbisyo, malibang tinukoy rito o kung saan kinakailangan ng batas o kontrata ang pag-delete nang mas maaga.

Mga Espesyal na Paalala may kinalaman sa Biometrics; Hanggang sa pagkolekta ng Socure s aiyong “biometric information” o “biometric identifier” gaya ng tinutukoy ng angkop na batas, ide-delete namin ang impormasyong iyon nang permanente at secure nang hindi lalampas sa 3 taon pagkatapos ng huli mong interaksyon sa Socure o sa Mga Serbisyo.

Espesyall na Paalala may kinalaman sa Mga Karapatan sa Proteksyon ng Data; Ang personal na impormasyong ginamit para i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng Mga Serbisyo may kaugnayan sa iyong pagsasagawa ng kahilingan sa Mga Karapatan sa Proteksyon ng Data ay ide-delete sa loob ng 72 oras ng pag-verify, malibang hangga’t kailangang panatilihin ang mga record ng audit para ipakita ang pagsunod sa mga batas ng privacy at proteksyon ng data.

Paano Namin Iniingatan ang Iyong Impormasyon

Gumagamit ang Socure ng komersyal na makatuwirang physical, electronic, at procedural na mga safeguard para protektahan ang impormasyon sa pagkawala, pagnanakaw, maling paggamit, hindi awtorisadong pag-access, pagbubunyag, pagbabago, at pagkasira, alinsunod sa angkop na batas, at hinihiling namin sa mga customer namin na gawin din ang gayon. Ino-audit din ang aming mga kasanayan sa seguridad sa paulit-ulit na batayan, at nagpapanatili kami ng ISO 27001 at SOC 2 Type 2 na mga certification. Sa pagsasabi ng gayon, wala talagang paraan na magarantiya na ang anumang mga safeguard o hakbang sa seguridad ang magiging sapat para mahadlangan ang isang insidente ng seguridad.

Ang Mga Karapatan Mo Sa Proteksyon ng Data

Batay sa kung saan ka naninirahan, posiblang sumasailalim ka sa isa o higit pa sa sumusunod na mga karapata sa proteksyon ng data (ang ilan ay mga limitadong karapatan na sumasailalim sa mga partikular na pagbubukod), gayundin ng karapatang maghain ng reklamo sa nauugnay na supervisory na awtoridad:

  • Karapatang malaman/mapaalaman sa personal na impormasyon o mga kategorya ng personal na impormasyong mayroon kami tungkol sa iyo.
  • Karapatang maka-access ng kopya ng personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo.
  • Karapatan sa pagtatama/pagwawasto ng di-tumpak na personal na impormasyhon na mayroon kami tungkol sa iyo.
  • Karapatan sa pag-delete/pagbura ng personal na impormasyon tungkol sa iyo.
  • Karapatang mag-opt out/tumanggi sa partikular na pagproseso, tulad ng naka-target na pag-advertise ng mga partikular na uri ng pag-profile.
  • Karapatang paghigpitan ang pagproseso, kung natutugunan mo ang partikular na limitadong angkop na mga pagkakataon.
  • Karapatang bawiin ang pagpayag anumang oras, nang walang bayad. Angkop lang ang anumang gayong mga pagbawi nang may pagsasaalang-alang sa hinaharap at hindi maaapektuhan ang naunang pagproseso na isinagawa alinsunod sa iyong naunang ibinigay na pahintulot.
  • Karapatang umapela sa pagtangging kumilos s aisang kahilingan sa loob ng makatuwirang panahon pagkatapos mong tanggapin ang inisyal na desisyon.

Walang Diskriminasyon Karaniwang ipinagbabawal ng mga batas sa privacy at proteksyon ng data ang diskriminasyon sa mga consumer na piniling isagawa ang kanilang mga karapatan sa proteksyon ng data. Hindi ka hahadlangan ng Socure na makuha ang anumang mga produkto o serbisyo bilang resulta ng iyong pagsasagawa ng mga karapatan sa proteksyon ng data.

Para isagawa ang angkop na mga request sa mga karapatan sa proteksyon ng data, pakipunan ang form na ito. Pagkatapos matanggap ang kahilingan mo, susubukan naming i-notify ang mga customer at vendor ng data namin tungkol sa kahilingan at ipapaalam sa iyo kung anong pagkilos ang nilalayon naming gawin bilang tugon. Puwede mo ring isagawa ang mga karapatan mo sa proteksyon ng data sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng email kasama ang iyong pangalan, estado o bansang pinaninirahan, at kung aling (mga) karapatan ang gusto mong isagawa. Pakitandaan na posibleng sumasailalim ang Socure sa mga partikular na pagbubukod at limitasyon kung paano kami tumutugon sa mga gayong kahilingan at na posibleng hindi angkop sa iyo ang ilang karapatan.

Karagdagang impormasyon may kinalaman sa mga pag-opt out. Para malaman kung paano pamahalaan ang mga naka-target na pag-advertise na posibleng makikita mo sa LinkedIn, mag-click dito. Kung gusto mo pa ng impormasyon kung paano gumagana ang naka-target na pag-advertise at kung paano makokontrol ang paggamit ng iyong data sa ganitong paraan, puwede mo ring bisitahin ang NAI (National Advertising Institute) o ang DAA (Digital Advertising Alliance).

Mga Kahilingan sa Mga Karapatan sa Nabe-verify na Proteksyon ng Data: Gagamit ang Socure ng mga makatuwirang paraang pangkomersyal para kumpirmahin na nagsumite ka ng nabe-verify na kahilingan, kung saan angkop o kailangan. Nangangahulugan ito na posibleng humingi kami sa iyo ng karagdagang impormasyon, i-verify ang iyong pagkakakilanlan gamit ang Mga Serbisyo, at i-save ang ilan sa iyong personal na impormasyon para patunayan na sumunod kami sa iyong kahilingan.

Awtorisadong Ahente: Puwede ka ring magtalaga ng awtorisadong ahente para gumawa ng kahilingan sa ngalan mo, na sumasailalim sa angkop na pag-verify at ib apang angkop na mga legal na kinakailangan. Kailangang magbigay ng iyong awtorisadong ahente ng documentation na sumusuporta sa awtoridad ng ahente na gawin ang kahilingan sa ngalan mo. Posibleng hilingin din namin sa iyo na i-verify ang iyong pagkakakilanlan nang direkta sa amin at kumpirmahin ang kahilingan.

Mga Signal sa Kagustuhan sa Pag-Opt Out: Tumutugon kami sa mga singal o mekanismong naka-enable sa mga web browser at mobile device na nagpapahiwatig ng kagustuhang isagawa ang ang mga karapatang nakalista sa itaas gaya ng hiniWe respond to signals or mechanisms enabled in web browsers and on mobile devices that indicate a preference to exercise the rights listed above as required by applicable law. Sa ngayon, hindi namin tinatanggap ang mga signal na “huwag subaybayan” kung naka-enable sa isang web browser.

Commitment sa Data Privacy Framework ng EU-U.S.

Sumusunod ang Socure sa Data Privacy Framework ng EU-U.S. (EU-U.S. DPF), ang UK Extension sa EU-U.S. DPF, at ang Swiss-U.S. Data Privacy Framework (Swiss-U.S. DPF) kagaya ng nakatakda sa U.S. Department of Commerce. Na-certify ng Socure sa U.S. Department of Commerce na sumusunod ito sa EU-U.S. Data Privacy Framework na Mga Prinsipyo (EU-U.S. DPF Principles) may kinalaman sa pagproseso ng personal na impormasyong natanggap mula sa European Union nang nagdedepende sa EU-U.S. DPF at mula sa United Kingdom (at Gibraltar) nang nagdedepende sa UK Extension sa EU-U.S. DPF. Na-certify ng Socure sa U.S. Department of Commerce na sumusunod ito sa Swiss-U.S. Data Privacy Framework na mga Prinsipyo (Swiss-U.S. DPF Principles) may kinalaman sa pagproseso ng personal na impormasyong tinanggap mula sa Switzerland nang nakadepende sa Swiss-U.S. DPF. Sumasailalim ang Socure sa investigatory at enforcement na mga kapangyariyan ng Federal Trade Commission.

Alinsunod sa Data Privacy Frameworks, EU, UK, at Swiss, may karapatan ang mga indibidwal na makuha ang aming kumpirmasyon kung nagpapanatili kami ng personal na impormasyon na nauugnay sa iyo sa United States. Sa paghiling, bibigyan ka namin ng access sa personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo. Puwede mo ring iwasto, baguhin, o i-delete ang personal na impormasyong hawak namin tungkol sa iyo. Ang isang indibidwal na humahanap ng access, o gustong iwasto, baguhin, o i-delete ang di-tumpak na data na inilipat sa United States sa ilalim ng Data Privacy Frameworks, ay dapat magsumite ng kanilang kahbilingan sa pamamagitan ng form na ito. Kung hiniling na alisin ang data, tutugon kami sa loob ng makatuwirang panahon.

Magbibigay kami sa indibidwal ng opsyon sa pag-opt out, o pag-opt in para sa sensitibong data, bago namin ibahagi ang iyong data sa aming mga third party bukod pa sa aming mga ahente, o bago namin ito gamitin para sa isang layuning bukod pa sa orihinal na pagkolekta rito o pinahintulutan pagkatapos. Para hilinging limitahan ang paggamit at pagbubunyag ng iyong personal na impormasyon, magsumite ng nakasulat na kahilingan sa pamamagitan ng form na ito.

Sa mga partikular na situwasyon, posibleng hilingin sa aming magbunyag ng personal na data bilang tugon sa mga kahilingang ayon sa batas ng mga pampublikong awtoridad, kabilang ang pambansang seguridad o mga kinakailangan sa pagpapatupad ng batas.

Inilalarawan sa Mga Prinsipyo ng Data Privacy Framework ang pananagutan ng Socure para sa personal na data na tinanggap nito sa United States sa ilalim ng Data Privacy Frameworks at inilipat pagkatapos sa isang third party. Sa partikular, nananatiling may pananagutan ang Socure sa ilalim ng Mga Prinsipyo ng Data Privacy Framework kung gagawin iyon ng mga third-party agent na inatasan nitong iproseso ang personal na data sa ngalan nito sa paraang hindi naaayon sa Mga Prinsipyo, malibang mapatunayan ng Socure na wala itong pananagutan para sa kaganapan na nagresulta sa pinsala.

Sa pagsunod sa Mga Prinsipyo ng EU-U.S DPF, ang UK Extension sa EU-U.S DPF, at sa Swiss-U.S DPF, naka-commit ang Socure na ayusin ang mga reklamo tungkol sa privacy mo at ang aming pagkolekta o paggamit ng iyong personal na impormasyong inilipat sa United States alinsunod sa Mga Prinsipyo ng EU-U.S DPF, ang UK extension sa EU-U.S DPF, at ang Swiss-U.S DPF. Dapat munang kontakin ang Socure ng European Union, United Kingdom, at Swiss na mga indibidwal na may mga tanong o reklamo sa privacy@socure.com.

Naka-commit pa ang Socure na isangguni ang mga reklamo sa privacy na hindi naayos sa ilalim ng programa ng EU-U.S. DPF sa isang independent na mekanismo sa pag-aayos ng di-pagkakasundo, Data Privacy Framework Services, na pinapatakbo ng BBB National Programs. Kung wala kang matatanggap na napapanahong pagkilala sa iyong reklamo, kung hindi naayos mabuti ang iyong reklamo, pakibisita ang website na ito para sa higit pang impormasyon at/o para maghain ng reklamo. Walang bayad ang serbisyong ito para sa iyo.

Kung hindi maaayos ang iyong reklamo sa EU-US DPF sa pamamagitan ng mga channel sa itaas, sa ilalim ng mga partikular na kundisyon, puwede mong gamitin ang binding na arbitration para sa ilang natitirang claim na hindi naayos ng ibang mga mekanismo ng pagsagot. Mag-click dito para sa higit pang impormasyon.

Kung may salungatan sa pagitan ng mga tuntunin sa Pahayag sa Privacy na ito at sa Mga Prinsipyo ng EU-U.S. DPF at/o ang Mga Prinsipyo ng Swiss-U.S. DPF, mangingibabaw ang nauugnay na Mga Prinsipyo. Para malaman ang higit pa tungkol sa program ang EU-U.S. DPF, pakibisita angwebsite na ito. Puwede mong i-verify ang partisipasyon ng Socure dito.

Kontakin Kami

Para kontakin ang Privacy team ng Socure, kabilang ang aming Data Protection Officer, puwede kang mag-email saprivacy@socure.com o tumawag sa 1-888-690-3709.

Alinsunod sa Article 27 ng General Data Protection Regulation (GDPR), itinalaga ng Socure ang European Data Protection Office (EDPO) bilang ang GDPR Representative nito sa EU. Puwede mong kontakin ang EDPO may kinalaman sa mga bagay na kaugnay sa GDPR: (1) sa paggamit ng online na request form ng EDPO; o (2) sa pagsulat sa EDPO sa Avenue Huart Hamoir 71, 1030 Brussels, Belgium.

Alinsunod sa Article 27 ng UK GDPR, itinalaga ng Socure ang EDPO UK Ltd bilang ang UK GDPR representative nito sa UK. Puwede mong kontakin ang EDPO UK may kinalaman sa mga bagay na nauugnay sa UK GDPR: (1) sa paggamit ng online na request form ng EDPO; o (2) sa pagsulat sa EDPO UK sa 8 Northumberland Avenue, London WC2N 5BY, United Kingdom.